Wala Kang Katulad

Mula nang kita'y makilala
Walang ibang na-aalala
Kundi ang tamis ng iyong ngiti
Parang nagsasabi, mahal mo ako

Ibang-iba ka aking giliw
Sa lahat ng nakilala
Walang ibang naghahatid ng sigla
Tulad mo sinta

Wala kang katulad
Wala nang hihigit pa sa iyo
Wala kang kaparis
Wala nang gaganda pa sa iyo
'Di ka maihahambing kahit kanino pa
Labis ang 'yong ganda
Wala kang katulad
At mahal kita

Iisa lamang ang nais
Ang makapiling ka lagi
At pagmasdan ang iyong nangungusap na mga mata
O kay ganda

Lagi akong umaasa
Habang buhay tayong magsasama
Huwag kang mabahala
Sa piling ko ay liligaya ka

Wala kang katulad
Wala nang hihigit pa sa iyo
Wala kang kaparis
Wala nang gaganda pa sa iyo
'Di ka maihahambing kahit kanino pa
Labis ang 'yong ganda
Wala kang katulad
At mahal kita

Minsan pa lamang sa aking buhay
Nagkadama ng ganito woah, woah

Wala kang katulad
Wala nang hihigit pa sa iyo
Wala kang kaparis
Wala nang gaganda pa sa iyo
'Di ka maihahambing kahit kanino pa
Labis ang 'yong ganda
Wala kang katulad
Wala kang katulad
Wala kang katulad
At mahal kita

Mahal kita



Credits
Writer(s): Ryan Cayabyab
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link