Sa Batong Ito

Hirap, kalungkutan at kasalatan
Sari-saring sakit ang mapagmamasdan
Tila nga walang kabuluhang mabuhay pa
Butil ng pag-asa, sa'n ba makikita?

Nasaan ang diwa ng pagmamahal
Na maghahatid ng awa ng Maykapal?
'Pinagkaloob tayo ng Diyos sa isa't isa
Sa 'ting umaasa, nangangako Siya t'wina

Sa batong ito, itatayo
Ko ang Aking bayan!
Sa batong ito, titipunin
Ko sila't babantayan!
Sa batong ito, kaligtasan
Ay siyang makakamtan!
Sa batong ito, pag-ibig Ko'y laan!

Narito ang diwa ng pagmamahal
Ang umibig tayong tulad ng Maykapal
'Pinagkaloob tayo ng Diyos sa isa't isa
Angkang umiibig
Bayang nanalig!

Sa batong ito
Itatayo Ko ang Aking bayan!
Sa batong ito, titipunin
Ko sila't babantayan!
Sa batong ito, kaligtasan
Ay siyang makakamtan!
Sa batong ito, pag-ibig Ko'y laan!

Sa batong ito
Itatayo Ko ang Aking bayan!
Sa batong ito
Madadaig maging kamatayan!
(Sa batong ito, kapiling
Niyo Ako kailanpaman!)
Sa batong ito, pag-ibig Ko'y laan!

Sa batong ito, pag-ibig Ko'y laan!

Ohhhh



Credits
Writer(s): Roy Tolentino, Fr Benito Justiniano
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link