Pagkabighani

Hindi sa langit Mong pangako sa akin
Ako naaakit na kita'y mahalin
At hindi sa apoy kahit anong lagim
Ako mapipilit nginig Kang sambahin

Naaakit ako na ika'y mamalas
Nakapako sa krus hinahamak-hamak
Naaakit ng 'Yong katawang may sugat
At sa tinanggap Mong kamataya't libak

Naaakit ako sa 'Yong pagibig
Kaya't mahal Kita kahit walang langit
Kahit walang apoy, sa 'Yo'y manginginig
Huwag nang mag-abala upang ibigin Ka

'Pagkat kung pag-asa'y bula lamang pala
Walang mababago mahal pa rin Kita.

Naaakit ako na ika'y mamalas
Nakapako sa krus hinahamak-hamak
Naaakit ng 'Yong katawang may sugat
At ang tinanggap Mong kamataya't libak

Naaakit ako sa 'Yong pagibig
Kaya't mahal Kita kahit walang langit
Kahit walang apoy, sa 'Yo'y manginginig
Huwag nang mag-abala upang ibigin Ka

Kung bagong pag-asa'y bula lamang pala
Walang mababago mahal pa rin Kita.



Credits
Writer(s): albert alejo sj
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link