Papuri

Itaas na ang mga mata
Sa Panginoong lumikha
Ng mga lupa at tala
Ng gabi at umaga

Itaas na sa Kanya
Mga himig at kanta
Tula't damdamin, mga awitin
Lahat na ay ialay sa Kanya

Kalikasa'y nangagpupugay
May mga huni pang sumasabay
Pagpupuri ang nadarama
Sa Diyos na 'ting Ama

Isigaw sa iba
Ang papuri sa Diyos Ama
Lahat ng lugod at lahat ng saya'y
Ialay sa Kanya



Credits
Writer(s): Jandi Arboleda
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link