Sa Hapag Ng Panginoon - From "Tinapay ng Buhay"

Sa hapag ng Panginoon
Buong bayan ngayo'y nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng Diyos sa Tanan
Sa panahon tigang ang lupa
Sa panahon ang ani'y sagana
Sa panahon ng digmaan at kaguluhan
Sa panahon ng kapayapaan
Sa hapag ng Panginoon
Buong bayan ngayo'y nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng Diyos sa tanan
Ang mga dakila't dukha
Ang banal at makasalanan
Ang bulag at lumpo, ang api at sugatan
Ang lahat ay inaanyayahan
Sa hapag ng Panginoon
Buong bayan ngayo'y nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng Diyos sa tanan
Sa aming pagdadalamhati
Sa aming pagbibigay puri
Ano pa mang pagtangis hapo't pasakit
Ang pangalan niya ay sinasambit
Sa hapag ng Panginoon
Buong bayan ngayo'y nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng Diyos sa tanan



Credits
Writer(s): Manuel V Francisco, Lui Morano
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link