Sa'Yo Lamang (1989)

Puso ko'y binihag mo
Sa tamis ng pagsuyo
Tanggapin yaring alay
Ako'y iyo habang-buhay
Aanhin pa ang kayamanan
Luha't karangalan
Kung ika'y mapasa-akin
Lahat na nga ay kakamtin
Sa 'yo lamang ang puso ko
Sa 'yo lamang ang buhay ko
Kalinisan, pagdaralita
Pagtalima, aking sumpa
Tangan kong kalooban
Sa iyo'y nilalaan
Dahil atas ng pagsuyo
Tumalima lamang sa 'yo

Sa 'yo lamang ang puso ko
Sa 'yo lamang ang buhay ko
Kalinisan, pagdaralita
Pagtalima, aking sumpa
(Sa 'yo lamang ang puso ko) Sa 'yo lamang
(Sa 'yo lamang ang buhay ko)
Hoh, kalinisan, pagdaralita
Pagtalima, aking sumpa



Credits
Writer(s): Philip Gan, S.j., Sirvino Bprres, Fr. Manoling Francisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link