Hindi Na Bale

Bakit ba kay hirap tanggapin
Na ikaw ay 'di na magiging akin?
Sa lahat ng bagay sa mundong ito
Wala nang hihigit pa sa pag-ibig mo

Kung tunay nga't 'di lang panaginip
Ang aking nararamdaman ngayon
Hanggang kailan kaya magdurusa't
Malulumbay ako nang wala sa piling mo?

Hindi na bale kung mawala ka
Basta't iniibig kita nang higit sa buhay ko
Hindi na bale kung magwakas na
Ang buhay kong ito, nguni't sa puso ko
Ikaw ay naroon at hindi maglalaho

Sadya ngang kay tamis ng iyong halik
Araw-araw ako sa iyo'y nananabik
Sana'y makapiling ka kahit saglit
At mayakap ka nang kay higpit

Hindi na bale kung mawala ka
Basta't iniibig kita nang higit sa buhay ko
Hindi na bale kung magwakas na
Ang buhay kong ito, nguni't sa puso ko
Ikaw ay naroon at hindi maglalaho

Hindi na bale kung mawala ka
Basta't iniibig kita nang higit sa buhay ko
Hindi na bale kung magwakas na
Ang buhay kong ito, nguni't sa puso ko
Ikaw ay naroon at hindi maglalaho, oh



Credits
Writer(s): Jimmy Antiporda
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link