Noong Paskong Una

Noong Paskong una
Si Mariang Ina
Sanggol n'yang kay ganda
Pinaghele sa kanta

Awit niya'y kay rikit
Anghel noon sa langit
Sa tamis, naakit, sumamang (sumamang)
Umawit (umawit)

Pasko na, Pasko na, Pasko na (Pasko na, Pasko na, Pasko na)
Sumabay, sumabay sa kanta (sa kanta)
Ni Mariang Ina (ni Mariang Ina)
Sa Niñong kay ganda
Pasko na, Pasko na

Mga tala't bituin
Pati ihip hangin
Nakisama na rin
Kay Mariang awitin (awitin)

Ang buong kalangitan
Pati na rin kalikasan
Hango sa awitan ng unang (ng unang)
Paskuhan (Paskuhan)

Pasko na, Pasko na, Pasko na (Pasko na, Pasko na, Pasko na)
Sumabay, sumabay sa kanta (sa kanta)
Ni Mariang ina (ni Mariang Ina)
Sa Niñong kay ganda
Pasko na, Pasko na

Mga tupa't baka (tupa't baka)
Sa giray na kwadra
Umungol dumamba (umungol dumamba)
Kasabay ng kanta

Pastores sa paltok
Sa tuktok ng bundok
Kahit inaantok sa kantaha'y (sa kantaha'y)
Lumahok (lumahok)

Pasko na, Pasko na, Pasko na (Pasko na, Pasko na, Pasko na)
Sumabay, sumabay sa kanta (sumabay sa kanta)
Ni Mariang Ina (ni Mariang Ina)
Sa Niñong kay ganda

Aleluya, Aleluya, Aleluya, Aleluya
Aleluya, Aleluya, Aleluya, Aleluya
Ni Mariang Ina (ni Mariang Ina)
Sa Niñong kay ganda
Aleluya, Aleluya



Credits
Writer(s): Manuel V Francisco, Onofre Pagsanghan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link