Rosas (Bukas Palad Music Ministry Version)

'Wag kang mabahala
Ikaw ay mahalaga
Hindi kita pababayaan

Hindi tayo naiiba
At sana'y paniwalaan
Na pipiliin ka araw-araw

At alam ko ang aking kaya, alam ko ang hindi
Alam ko ang kailangan upang makapagsilbi
Hangga't may kabutihan, hangga't may pag-ibig
Liwanag ang mananaig

At hindi ko maipapangako
Ang kulay-rosas na mundo para sa 'yo
At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino
Pero sisikapin ko
At hindi ako magpapahinga hangga't hindi mo pa
Magawang muling ipagmalaki na ika'y isang
Pilipino (Pilipino)
Ooh, ooh, ooh

'Wag kang matatakot
May kasangga ka sa laban na ito
Sabay nating gisingin ang nasyon

At alam ko ang aking kaya, alam ko ang hindi
Alam ko ang kailangan upang makapagsilbi
Hangga't may kabutihan, hangga't may pag-ibig
Liwanag ang mananaig

At hindi ko maipapangako
Ang kulay-rosas na mundo para sa 'yo
At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino
Pero sisikapin ko
At hindi ako magpapahinga hangga't hindi mo pa
Magawang muling ipagmalaki na ika'y isang

Pilipinong may pusong sagutin ang tugon
Pilipinong may tapang na muling bumangon
Pilipinong buo ang paninindigan
Alam ang tama at totoo
Samahan mo ako

At hindi ko maipapangako (sisikapin kong maipangako)
Ang kulay-rosas na mundo para sa 'yo (kulay-rosas para sa 'yo)
At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino (sisikapin kong mailawan)
Pero sisikapin ko
At hindi ako magpapahinga hangga't hindi mo pa
Magawang muling ipagmalaki na ika'y isang
Matatag at matapang at mabuti at mapagmahal na

Pilipino (Pilipino, Pilipino)
Pilipino (Pili-, Pilipino)
Pilipino



Credits
Writer(s): Gianina Camille Del Rosario, Jeralph Sanchez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link