Sumigaw Sa Galak

Sumigaw sa galak
Umawit, umindak
Purihin ang Diyos
Purihin nang wagas

Ang ginawa ng Diyos, lapit at pagmasdan
Ang kahanga-hangang ginawa sa tanan
Ibinulid Niya ang hari-harian
Tayo'y hinango N'ya sa 'ting kaapihan
Sa Kanyang pag-ibig tayo'y iningatan

Sumigaw sa galak
Umawit, umindak
Purihin ang Diyos
Purihin nang wagas

Lapit at makinig, aking isasaysay,
Ang Kanyang ginawang mga kabutihan
Pinanghina tayo ng mga kaaway
Ngunit ating daing, Kanyang pinakinggan
'Di tayo bumagsak, 'di pinabayaan

Sumigaw sa galak
Umawit, umindak
Purihin ang Diyos
Purihin nang wagas

Ako ay mag-aalay sa Diyos kong banal
Ng pangakong pag-ibig at katapatan
Mga kasalanan ko'y 'di N'ya ininda
Bagkus iniligtas pa 'ko sa kalaban
Dininig, pinatawad at itinanghal

Sumigaw sa galak
Umawit, umindak
Purihin ang Diyos
Purihin nang wagas



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link