Awit Sa Ina Ng Santo Rosaryo

Awit Sa Ina Ng Santo Rosario

Minsan ang buhay ay isang awit ng galak
At mayroong liwanag na tatanglaw sa 'ting pagyapak.
Minsan ang buhay ay isang awit ng luha
At s'yang papawi nito ay ang pag-asa ng umaga
At kahit anong tindi ng unos
At kahit anong tindi ng dilim
May isang Inang namamatyag,
Nagmamahal sa'tin.
Awit N'ya'y pag-ibig ng Diyos
Tawag N'ya'y magbalik loob
Turo N'ya'y buhay na ang Diyos lamang sa ati'y nagkaloob
Koro 1
O Inang mahal narito kami
Awit awit ang Ave Maria
At dalangin ng bawat pamilya'y
Kapayapaan at pagkakaisa.
Ang Rosaryo mong hawak namin at awit awit ang Ave Maria,
Puspos ka ng diwang banal dinggin ang aming payak na dasal, ihatid mo kami sa langit ng Amang mapagmahal.

Koro 2
O Inang Mahal narito kami awit awit ang Ave Maria
At dalangin ng bawat pamilya'y kapayapaan at pagkakaisa.
Ang Rosaryo mong hawak namin at awit awit ang Ave Maria,
Puspos ka ng diwang banal dinggin ang aming payak na dasal, ihatid mo kami sa langit ng Inang mapagmahal.



Credits
Writer(s): Carlo Magno S Marcelo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link