Paglamig Ng Hangin

Paglamig ng hanging hatid ng Pasko
Nananariwa sa 'king gunita
Ang mga nagdaan nating Pasko
Ang Noche Buena't Simbang gabi

Narito na ang Pasko
At nangungulila'ng puso ko
Hanap-hanap, pinapangarap
Init ng pagsasalong tigib sa tuwa
Ng mag-anak na nagdiwang
Sa sabsaban n'ung unang Pasko

Sa pag-awit muli ng himig-Pasko
Nagliliyab sa paghahangad
Makapiling kayo sa gabi ng Pasko
Sa alaala'y magkasama tayo

Narito na ang Pasko
At nangungulila'ng puso ko
Hanap-hanap, pinapangarap
Init ng pagsasalong tigib sa tuwa
Ng mag-anak na nagdiwang
Sa sabsaban n'ung unang Pasko

Sa sabsaban n'ung unang Pasko



Credits
Writer(s): Manuel V Francisco Sj
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link