Oyayi

Kay lamig na ng gabi sa ilang
Habang ang bituin ay nag-aabang
Giliw ko sa'king sinapupunan
Kay lapit Mo nang isilang
Aming pakikipagsapalaran
Upang makahanap ng tahanan
Abut-abot ang kaba sa dibdib
Kay lapit Mo sa panganib
O giliw kong, Anak
Tupad na pangarap ko
Pagsilay mo sa ating mundo
Maging tahanan ng mahirap
At puso mo'y tanggulan ng aba
Sa kapaguran ng 'yong amain
Ang disyertong pilit n'yang bagtasin
Animo'y walang patid ang lawak
Buhay natin kanyang hawak
O giliw kong, Anak
Tupad na pangarap ko
Pagsilay mo sa ating mundo
Maging tahanan ng mahirap
At puso mo'y tanggulan ng aba
Liwanag ng unang pasko
Hesus, bituin ng mundo
O giliw kong, Anak
Tupad na pangarap ko
Pagsilay mo sa ating mundo
Maging tahanan ng mahirap
At puso Mo'y tanggulan ng aba
Kay lamig na ng gabi sa ilang
Habang ang bituin ay nag-aabang
Giliw ko sa'king sinapupunan
Kaunting tiis na lang
Tahanan nati'y daratnan



Credits
Writer(s): Arnel Sj
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link