Andito Tayo Para Sa Isa't Isa

Bulong ng 'yong puso, aking naririnig
'Di ka malayo, iisa'ng ating tinig
Sa Diyos, nagtitiwala, daan ay mahahanap
Ito ang paalala sa lahat Niyang anak

Hakbang pa, kapit lang, wala sa 'ting maiiwan
Kaya pa, laban lang, gabay nati'y pagmamahalan

Andito muli ang himala ng Pasko
Kabutihan ng tao ang ilaw ng mundo
Andito ang Diyos, dala Niya'y pag-asa
Andito tayo para sa isa't isa

Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh, oh
Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh, oh
Para sa isa't isa

Sa pangangamba, hindi patatangay
Panahon ma'y mag-iba, laging kapit-kamay
Lahat haharapin nang magkasama
Isa't isa'y aakayin, tayo ay pamilya

Hakbang pa, kapit lang, wala sa 'ting maiiwan
Kaya pa, laban lang, gabay nati'y pagmamahalan

Andito muli ang himala ng Pasko
Kabutihan ng tao ang ilaw ng mundo
Andito ang Diyos, dala Niya'y pag-asa
Andito tayo para sa isa't isa

May liwanag sa dulo ang lahat ng ito
Sa bagong simula ng daigdig, maghahari na'ng pag-ibig

Hakbang pa, kapit lang, wala sa 'ting maiiwan
Kaya pa, laban lang, gabay nati'y pagmamahalan

Andito muli ang himala ng Pasko
Kabutihan ng tao ang ilaw ng mundo
Andito ang Diyos, dala Niya'y pag-asa
Andito tayo para sa isa't isa

Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh, oh
Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh, oh
Para sa isa't isa

Yo, andito si Nanay 'tsaka si Tatay
Pag-ibig nila'y liwanag sa 'tin nakaagapay
Andito rin ang mga guro at kabataan
Pinaglalaban nila, ating kinabukasan

Uh, uh, andito ang mga anghel sa lupa
Kalinga nila'y pagpapala na 'di humuhupa
Andito ang puso ng mga nangibang bayan
Malayo man sila, dito laging mayro'ng tahanan

Andito ang mga nag-iingat sa atin
Saludo tayo, tapat sila sa tungkulin
Andito ang mga naglilingkod sa kapuwa
Salamat sa dala nilang ginhawa
Andito ang paghilom at pag-asa
Dahil andito tayo para sa isa't isa

Hakbang pa, kapit lang, wala sa 'ting maiiwan
Kaya pa, laban lang, gabay nati'y pagmamahalan

Andito muli ang himala ng Pasko
Kabutihan ng tao ang ilaw ng mundo
Andito ang Diyos, dala Niya'y pag-asa
Andito tayo para sa isa't isa

Andito muli ang himala ng Pasko
Kabutihan ng tao ang ilaw ng mundo
Andito ang Diyos, dala Niya'y pag-asa
Andito tayo para sa isa't isa

Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh, oh (para kanino, para kanino? Para sa isa't isa, tayo andito)
Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh, oh (para kanino, para kanino? Para sa isa't isa, tayo andito)
Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh, oh (para kanino, para kanino? Para sa isa't isa, tayo andito)
Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh, oh (para kanino, para kanino?)
Para sa isa't isa (para sa isa't isa tayo, andito)



Credits
Writer(s): Abs Corporation Cbn
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link