San Ignacio, Kawal Ni Kristo

San Ignacio, kawal ni Kristo,
Tanggulan laban sa mapanilong tukso
Ang bandila ng krus ni Kristo,
Tangan mo, sindak ng dilim at lilo

Ang kapatirang natatangi sa iyo,
Niloob mong magpuri sa ngalan ni Hesus
Uusigin, buong giting,
Naghaharing sala sa mundo

Patnubayan, saan mang dako,
Ang mga kapatid mong galak ay sa 'yo
Ang gawain sa kahirapan,
Kalinisa't ganap na pagtalima

Marapatin mong sana ay maging tapat,
Sa sumpa at pangakong binigkas, buong galak;
Nang magpuri at magpugay kay Hesus, ligaya ng buhay

Luwalhatiin, tanang mga tao: si Hesus na Hari ng mundo!



Credits
Writer(s): Eduardo P Sj, Tim Ofrasiosj
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link