Lumayo Ka Man Sa Akin (Theme From "Phr Presents: Lumayo Ka Man Sa Akin")

Lumayo ka man sa akin
At ako'y iyong limutin
Masakit man sa damdamin
Pilit pa ring titiisin

Mga lumipas na ligaya
Ang kahapong may pag-asa
Mga pangarap na walang hanggan
Ay naglaho paglisan mo, mahal ko

'Pagkat saan ka man naroroon
Pintig ng puso ko'y para sa 'yo
Naghihirap man ang aking damdamin
Nagmamahal pa rin sa 'yo, giliw

Limutin man kita'y 'di ko magawa
Hindi pa rin ako nagbabago
Ang pag-ibig ko sa 'yo'y lagi mong kasama

Mga sandaling ligaya
Kung ikaw ang siyang kasama
Sana ay 'di na natapos pa
Wala nang nais pang iba

Sa gabi'y naaalala
Nalulumbay 'pagkat wala ka
Ang yakap mo'y aking inaasam
Sana'y maulit pang muli, mahal ko

'Pagkat saan ka man naroroon
Pintig ng puso ko'y para sa 'yo
Naghihirap man ang aking damdamin
Nagmamahal pa rin sa 'yo, giliw

Limutin man kita'y 'di ko magawa
Hindi pa rin ako nagbabago
Ang pag-ibig ko sa 'yo'y lagi mong kasama

Whoa, whoa, whoa
Whoa, whoa, whoa, whoa

Tuluyan mang tayong 'di magkita
Umaasa pa rin ako, sinta
'Pagkat mahal kita, manalig ka
Walang katulad mo sa buhay ko

Ikaw lamang ngayon, bukas, kailanman
Naririto ako, asahan mo
Ang pag-ibig ko sa 'yo'y lagi mong kasama
Ang pag-ibig ko sa 'yo'y lagi mong kasama



Credits
Writer(s): Yoshio Hanada-tagalog
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link