Magiging Akin Ba

Kay tagal ko nang hinihintay ito
Hinahayaan lang magbigay para sa tulad mo
Ngunit, oras na para malaman mo
Pag-ibig na hinahandog, sana ay yakapin mo

Ako'y umaasang maniniwala ka
Na wagas itong hangarin
Sana naman pagbigyan itong hiling

Magiging akin ba ang puso mo at pag-ibig?
Na lagi ay asam ng isip, nang marinig kong ako ay mahal
Magiging akin ba maging damdamin mo at isip?
Huwag mong ipagkait sa akin, ang pakiusap ko'y sana'y dinggin
Mahal na mahal na kita at walang iba, ako'y paniwalaan sana

Huwag mo naman ako ay pahirapan pa
Alam mo bang ika'y iibigin kahit kailan pa?
Lahat ay gagawin basta't liligaya ka
Ang buhay ko mang ito, ibibigay sa 'yo, sinta

Ako'y umaasang maniniwala ka
Na wagas itong hangarin
Sana naman pagbigyan itong hiling

Magiging akin ba ang puso mo at pag-ibig?
Na lagi ay asam ng isip, nang marinig kong ako ay mahal
Magiging akin ba maging damdamin mo at isip?
Huwag mong ipagkait sa akin, ang pakiusap ko'y sana'y dinggin
Mahal na mahal na kita at walang iba, ako'y paniwalaan sana, ooh-ooh-ooh

Magiging akin ba ang puso mo at pag-ibig?
Na lagi ay asam ng isip, nang marinig kong ako ay mahal
Magiging akin ba maging damdamin mo at isip?
Huwag mong ipagkait sa akin, ang pakiusap ko'y sana'y dinggin
Mahal na mahal na kita at walang iba, ako'y paniwalaan sana
Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh



Credits
Writer(s): Voltaire Zembrano
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link