Pananagutan

Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang

Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos, na kapiling Niya

Sa ating pagmamahalan at paglilingkod sa kaninuman
Tayo ang magdadala ng balita ng kaligtasan

Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos, na kapiling Niya

Sabay-sabay ngang mag-aawitan ang mga bansa
Tayo'y tinuring ng Panginoon bilang mga anak

Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos, na kapiling Niya

Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang

Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos, na kapiling Niya

Tayong lahat ay tinipon ng Diyos, na kapiling Niya
(Tayong lahat ay may pananagutan)



Credits
Writer(s): Eduardo P Sj
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link