Nasa Palad Mo

Pagsikat ng umaga sa mundong nahihimlay
Ginigising ng silahis ang likha ng Iyong kamay
Ang init ng 'Yong araw, nagbibigay-buhay
Sa mundong gumagalaw sa kumpas ng 'Yong kamay

Nasa palad Mo ang araw at gabi. Nasa palad Mo ang lupa at langit
Nasa palad Mo ang sandaigdigan.
Nasa palad Mo ang kaganapan ng kasaysayan
Nasa palad Mo!

Pagpanaw ng liwanag sa mundong mahihimlay
Maglalaho ang ligalig sa marahan Mong pagbantay

Digmaan at alitan, pagtangis at lumbay
Mahihilom ang lahat sa pagtangan ng 'Yong kamay. (REFRAIN)

Tibayan ang aming loob! Ang kaguluhan sa mundo
Masusugpo sa wakas ng Iyong lakas! (REFRAIN)

Nasa palad Mo! Nasa palad Mo!
Pagsikat ng liwanag; ang init ng 'Yong araw!



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link