Ibong Ligaw

Paano pa kaya tatanggapin ng puso ko?
Mula nang sa 'kin ay sabihin mong 'di na ako
Ang s'yang nilalama't tinitibok ng puso mo
Gumuho ang lahat pati mga pangarap ko

Umasa nang anong tagal dahil akala ko
Ako na ang lahat-lahat para sa tulad mo
Malilimutan ko pa ba ang pighating ito
Ngayong tuluyan na ika'y wala sa piling ko?

Ibong ligaw ang tulad ko
Ang puso't isip ay lito, saan ako patutungo?
Nagdurugo ang puso ko
Nabali ang mga pakpak, bigong-bigo dahil ako'y iniwan mo

Mayro'ng mga gabing mga mata'y 'di mapikit
Pati ang diwa ko ay bakit 'di na maidlip
Paglimot sa iyo'y hindi pa rin masumpungan
Sarili ay tinatanong, "Bakit nagkaganyan?"

Umasa nang anong tagal dahil akala ko
Ako na ang lahat-lahat para sa tulad mo
Malilimutan ko pa ba ang pighating ito
Ngayong tuluyan na ika'y wala sa piling ko?

Ibong ligaw ang tulad ko
Ang puso't isip ay lito, saan ako patutungo?
Nagdurugo ang puso ko
Nabali ang mga pakpak, bigong-bigo dahil ako'y iniwan mo

Whoa, ibong ligaw ang tulad ko
Ang puso't isip ay lito, saan ako patutungo?
Nagdurugo ang puso ko
Nabali ang mga pakpak, bigong-bigo dahil ako'y iniwan mo



Credits
Writer(s): Vehnee Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link