Teka Muna

Ayan na naman di mapinta ang 'yong mukha
Kunot ang noo, namumugto ang 'yong mata
Di maiwasan ang problema at pagkabigo
Para bagang pasan mo ang buong mundo

Ayan na naman hinihingi pang matrikula
Sabay may naniningil sa tubig, ilaw at upa
Nariyan pa'ng misis mo, magsisilang na sa panlima
Sa kamalasan mo ay nasisante ka pa

Pare teka muna wag takasan ang mundo
Hirap at sakit ay likas at kaya mo
Naririto Ako naghihintay sa 'yo
Tumawag ka lang at tutulungan Kita sa 'yong pasan

Ayan na naman di mapinta ang 'yong mukha
Kunot ang noo, namumugto ang 'yong mata
Di maiwasan ang problema at pagkabigo
Para bagang pasan mo ang buong mundo

Ayan na naman, uwi ni mister ay umaga na
Lasing na lasing, damit may bahid, lipstick na pula
Sagot sa tanong mo ay suntok sa tiyan, sampal sa mukha
Sa kamalasan mo'y nalaglag dinadala

Mare teka muna wag takasan ang mundo
Hirap at sakit ay likas at kaya mo
Naririto Ako naghihintay sa 'yo
Tumawag ka lang at tutulungan Kita sa 'yong pasan

Pare teka muna wag takasan ang mundo
Hirap at sakit ay likas at kaya mo
Naririto Ako naghihintay sa 'yo
Tumawag ka lang at papasanin Ko ang 'yong pasan
Tumawag ka lang at papasanin Ko ang 'yong pasan



Credits
Writer(s): Manuel V. Francisco, Sj, Vincent Aylmer Dela Cruz, Eliserio Jacobe Jr, Manuel V. Francisco Sj, Roy Tolentino
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link