Langit Na Bituin (From "Bituin")

Hanggang saan kaya? Hanggang kailan pa ba
Maghihintay ang puso kong nangungulila?
Sana'y malaman mo, ako'y naririto
Pakinggan mo't sumasamo damdamin kong ito

Kailan makakamit langit na bituin?
Kailan masisilayan ganda ng iyong ningning?
Sana'y iyong dinggin bulong ng damdamin
Sana'y makapiling, sana'y mahalin
Sana'y makamit langit na bituin

Ba't ligaya'y 'di ganap, gayong nasa 'kin ang pangarap?
Nalulungkot, hinahanap ang mga yakap

Kailan makakamit langit na bituin?
Kailan masisilayan ganda ng iyong ningning?
Sana'y iyong dinggin bulong ng damdamin
Sana'y makamit langit na bituin

Nagkamali ako nang minsang iwan ka
Ngayo'y batid ko na, ikaw lang pala'ng hinahanap
Ang nag-iisang langit kong bituin

Sana'y iyong dinggin bulong ng damdamin
Sana'y makamit langit na, ang langit kong

Kailan makakamit langit na bituin?
Kailan masisilayan ganda ng iyong ningning?
Sana'y iyong dinggin bulong ng damdamin
Sana'y makapiling, sana'y mahalin
Sana'y makamit ang langit na bituin

Sana'y makamit ang langit na bituin



Credits
Writer(s): Cacai Velasquez, Raul Mitra
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link