Hayaan Mo Sila

Ya, ya-ya-ya
O.C. Dawgs, Ex B!

Kalimutan mo na 'yan, sige, sige, maglibang
'Wag kang magpakahibang, dapat ay itawa lang
Ang problema sa babae, dapat 'di iniinda
Hayaan mo sila ang maghabol sa 'yo, 'di ba?
Sabi ko naman sa 'yo, lahat 'yan, nagloloko
Pagkatapos kang pakinabangan, biglang lalayo
Kaya 'wag nang uulit pa
Kaya 'wag nang uulit pa

Heto na naman tayo (tayo)
Kailan ka ba matututo? (Tuto)
Pag-ibig ay sakit sa ulo (ulo)
Kaya 'wag kang magpapaloko (oh)
Bakit ba ang bilis mo na maniwala d'yan? (Ay)
'Di ka pa ba nadala sa 'yong nakaraan? (That's right)
Ilang beses pa ba na kitang papayuhan? (Woo)
Ayaw ko lang naman na ikaw ay masaktan

Hindi kita sa dina-down, down, down, 'tol, pumili ka kasi
Karamihan kasi now, kung makuha madali
Madali lang magpakamot 'pag may nangati
Kaya ngayon pa lang, mag-isip ka, p're (woo)

P're, dahan-dahan lang sa iyong pagkahibang
Sa isang nilalang na dapat nila-"lang" mo lang
Dapat kalimutan mo mga problema na 'yan
Dahil kahit sa'n tignan, ay-ya-yay, babae lang 'yan (go)
Alam ko na alam mong libre maging tanga
Pero ang masama do'n, balak mong araw-arawin pa
Ang mga ganyang babae, 'di dapat iniinda
Tumigil ka, sa dami ng tanga, 'wag ka na maging isa

Kaya, let me know kung sawa ka na maloko
Let me know kung 'di sa 'yo uso laro
Let me know kung pwede ka nang lumayo
Dahil sabi ko sa 'yo, lahat 'yan, nagloloko, ah

Kalimutan mo na 'yan, sige, sige, maglibang
'Wag kang magpakahibang, dapat ay itawa lang
Ang problema sa babae, dapat 'di iniinda
Hayaan mo sila ang maghabol sa 'yo, 'di ba?
Sabi ko naman sa 'yo, lahat 'yan, nagloloko
Pagkatapos kang pakinabangan, biglang lalayo
Kaya 'wag nang uulit pa
Kaya 'wag nang uulit pa

Gagamitin lang nila ang 'yong pagiging sikat (whoa)
Sabi ko sa 'yo, 'di ba?
'Di lahat ay tapat na mga bitches na tanging riches
'Wag ilahat ang pagkatao mo't
Ang feelings from the beginning, hindi sapat
"Who you" ka na 'pag gusto napasakamay
Unti-unti kang gagamitin, parang songkeramai
Kaya tawanan mo na lang, pare, 'di 'yan kawalan
Dapat tayo 'yung lalaki na iniiyakan

Kaya hayaan mo sila na maghabol sa 'yo
Para 'lam nila, 'di tayo basta-basta pwedeng "sayonara"
Kaya sa 'kin magtiwala, madami pa d'yang iba
Konti na lang tayong pogi sa mundong natitira

'Di ba, sabi ko sa 'yo, "Huwag nang uulit"?
Ang kulit mo ring kaibigan ka (hey, hey)
Ilang beses na ang puso mo'y napunit
Nagagalit 'pag sinasabihan ka (oh, yeah)
Makinig ka sa akin, alam ko na rin (woo)
Galawan ng babaeng ikaw ay papaasahin
Kaya kung ako sa 'yo ay 'wag na ('wag na)
Tanga 'yung taong nand'yan na para sa kanya

Kaso binalewala dahil lang sa salita
Ang lakas-lakas manggamit nang hindi mo halata
Ganyan na talaga ang nagiging sitwasyon ngayon
Wala na 'kong masabi, basta alam mo na 'yon kung ano 'yon

Kalimutan mo na 'yan, sige, sige, maglibang
'Wag kang magpakahibang, dapat ay itawa lang
Ang problema sa babae, dapat 'di iniinda
Hayaan mo sila ang maghabol sa 'yo, 'di ba?
Sabi ko naman sa 'yo, lahat 'yan, nagloloko
Pagkatapos kang pakinabangan, biglang lalayo
Kaya 'wag nang uulit pa
Kaya 'wag nang uulit pa (ehem, hmm-mmm)

'Wag kang mangangamba kung iiwanan ka na niya
'Wag kang mag-alala kasi marami pang iba
Idaan mo lang sa tawa kaysa magpakatanga
Hanggang sa masanay ka na, kasi ganyan talaga sila
Baka 'di mo alam na hindi na bilang
Sa daliri ang binibining sasaktan ka lang
Kaya easy ka lang, 'wag kang magpakahibang
'Wag mong gawing mundo 'yung alam mo na tao lang

Alam mo 'yan, kaya 'wag mo nang lokohin ang sarili mo
Hayaan mo sila na maglaway kakatingin sa 'yo
Hanggang sa silang lahat naman ang maghabol sa 'yo
'Pag nagawa mo 'yan ay 'tsaka na 'ko bibilib sa 'yo

De-de-de, there's so many bitches in the club (in the club)
There's so many sexy babies, ba't hindi ka maghanap?
Iinom na lang natin kasi 'yan (kasi 'yan)
Bawal ang malungkot, pare, hindi pwede 'yan
Sa 'kin, makinig ka, pare
Sa panahon ngayon, wala nang matinong babae
Maniwala ka sa 'king mga sinasabi
Alam ko 'yan, kasi d'yaan ako nadali

So, it's time to say "goodbye-bye", say "goodbye" (bitch)
Do'n sa girlfriend mong tsipay, set-up tonight (leggo)
Wala nang chick ngayon na totoo, lahat nagloloko
Ay, naku, kung ako sa 'yo

Kalimutan mo na 'yan, sige, sige, maglibang
'Wag kang magpakahibang, dapat ay itawa lang (hey)
Ang problema sa babae, dapat 'di iniinda
Hayaan mo sila ang maghabol sa 'yo, 'di ba?
Sabi ko naman sa 'yo, lahat 'yan, nagloloko (hey, hey)
Pagkatapos kang pakinabangan, biglang lalayo (hey, hey)
Kaya 'wag nang uulit pa (baby, yeah)
Kaya 'wag nang uulit pa

Hayaan mo sila na, hayaan mo sila na
Hayaan mo sila ang maghabol sa 'yo
Hayaan mo sila na, hayaan mo sila na
Hayaan mo sila ang maghabol sa 'yo
Hahayaan mo sila, hahayaan mo sila
Hahayaan mo sila na maghabol sa 'yo
Hahayaan mo sila, hahayaan mo sila
Hahayaan mo sila na maghabol sa 'yo



Credits
Writer(s): Unknown Unknown, Sergey Rybchinskiy
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link