Awit Ng Dakilang Jubileo

Mayroong galak, kapayapaan
Ang puso ay mayroong layang
Hilumin ang sugat ng hidwaan

Mayroong biyaya at pag-asang
Alay sa bawa't kapwa
At ang mundo ay gagawing isa

O ating pasalamat ang Ama, Anak at Espiritu
Kaisa ni Maria'y aawit

Buksan ang puso at mga mata sa biyayang sa ati'y dulot niya.
Kahit iba't-iba, isang pamilya.
Walang tanikalang magbibihag sa puso ng bawat isa
Pag-ibig at pag-asa ang madarama.
Panahon ng Dakilang Saya!

Manalangin tayo at magpuri
Sa Diyos na naglalang
Nagdulot ng biyaya sa mundo.

Sa naliligaw gabay ang dulot
At Ilaw siyang magniningning
Pag-ibig ng Diyos ang daramhin

O ating pasalamat ang Ama, Anak at Espiritu
Kaisa ni Maria'y aawit

Buksan ang puso at mga mata sa biyayang sa ati'y dulot niya.
Kahit iba't-iba, isang pamilya.
Walang tanikalang magbibihag sa puso ng bawat isa
Pag-ibig at pag-asa ang madarama.
Panahon ng Dakilang Saya!
Buksan ang puso at mga mata sa biyayang sa ati'y dulot niya.
Kahit iba't-iba, isang pamilya.
Walang tanikalang magbibihag sa puso ng bawat isa
Pag-ibig at pag-asa ang madarama.
Panahon ng Dakilang Saya!
Panahon ng Dakilang Saya!
Panahon ng Dakilang Saya!...



Credits
Writer(s): Carlo Magno S Marcelo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link