Sa 'Yong Piling

Tinawag mo ako o Panginoon
Dagli akong tumugon sa tinig mo
Tanda ng pasasalamat sa pag-ibig mo
Na sa twina'y nadarama ko

Ako'y namangha sa'yong kabutihan
Tunay na wala kang katulad

Sa bawat sandali ng aking buhay
Ikaw ang s'yang gabay
Sa oras ng lungko't pagkabigo
Ako'y muling binubuo
Luha ko't pasakit
Ay 'yong pinaparam

Sa paglubog nitong araw
Sa pagsapit ng dilim
Ang tangi kong hiling ay humimlay
Sa'yong piling

Labis ang galak ko Panginoon
Pagkat ikaw lamang sa buhay ko
Kagandahang loob mo ay walang hanggan
Biyayang lubos kailanman

Katapatan mo ay di magmamaliw
Kailanpama'y sya'y aking sandigan

Sa bawat sandali ng aking buhay
Ikaw ang s'yang gabay
Sa oras ng lungko't pagkabigo
Ako'y muling binubuo
Luha ko't pasakit
Ay 'yong pinaparam
Sa paglubog nitong araw
Sa pagsapit ng dilim
Ang tangi kong hiling ay humimlay
Sa'yong piling

Sa bawat sandali ng aking buhay
Ikaw ang s'yang gabay
Sa oras ng lungkot pagkabigo
Ako'y muling binubuo
Luha ko't pasakit
Ay 'yong pinaparam
Sa paglubog nitong araw
Sa pagsapit ng dilim
Ang tangi kong hiling ay humimlay
Sa'yong piling



Credits
Writer(s): Marius Villaroman, Roderick Castro
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link