Kailan Kaya

Kailan kaya magwawakas ang aking mga paghihirap?
Kailan kaya matutupad ang aking mga pangarap?
Ang araw ba'y kailan sisikat sa tulad kong kapos-palad?
Mga hangarin, pagsisikap, laging nakatatak
Sa tulad kong isang hamak

Nais lang matupad, mga pangarap ko
Na makarating sa isang paraiso
Ngunit ang langit na pinapangarap ko
Kay rami palang nakatago na milagro

Oh, kay gulo ng diwa't isipan ko
Nagtatanong lang, bakit buhay naging ganito?
Sinadya ba kayang maging kapalaran kong
Danasin ang mga pagdurusa dito sa mundo?

Credits
Writer(s): April Boy Regino
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link