Giliw Ko

Mag-isa na naman
Sa araw at gabi
Mahirap malungkot
Pag 'di ka katabi

'Di ko kailangan
Ang yaman sa mundo
Basta't ikaw lamang
Ang siyang laging kapiling ko

Hanggang kailan
Ako maghihintay sayo
Magbalik ka lamang
At 'wag na akong iwan

Giliw ko
Pakinggan mo
Puso kong ito'y dumaraing
Kailan ka ba darating

Giliw ko
Asahan ko
Pangako mong kahit nasan ka man
Ako lang ang siyang iyong iibigin

Pakaiingatan ko
Ang puso kong ito
Laging magtitiis ng lumbay
Para sayo

Ano man ang mangyari
Sa buhay na ito
Sa hirap at ginhawa'y
Tayo'y magsasama

Giliw ko
Pakinggan mo
Puso kong ito'y dumaraing
Kailan ka ba darating

Giliw ko
Asahan ko
Pangako mong kahit nasan ka man
Ako lang ang siyang iyong iibigin

Ikaw ang kailangan
Dito sa 'king tabi
Sa bawa't sandali

'Wag mong kalimutan
Na ako'y naririto
Naghihintay sayo

Kailangan bang
Ikaw ay umalis
Papano na ako ngayon
Laging nag-iisa

Namimiss ko
Ang mga yakap mo
Mga lambing na kay tamis
At kay sarap damhin

Giliw ko
Pakinggan mo
Puso kong ito'y dumaraing
Kailan ka ba darating

Giliw ko
Asahan ko
Pangako mong kahit nasan ka man
Ako lang ang siyang iyong iibigin

Giliw ko
Pakinggan mo
Puso kong ito'y dumaraing
Kailan ka ba darating

Giliw ko
Asahan ko
Pangako mong kahit nasan ka man
Ako lang ang siyang iyong iibigin



Credits
Writer(s): Babes And Vianney
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link