Ba'T Gano'N? (Theme From the Movie "Family History")

'Di mo makikita
'Di mo mararamdaman
'Di mo maririnig
At 'di maintindihan

Na hindi na kailangang
Itanong, magduda, pag-isipan
'Di ko malilimutan
Lagi kong napapanaginipan
At 'wag ka nang magtanong
"Ba't gano'n?"

Mayro'ng mga bagay
Na 'di na maiiba ('di na maiiba)
Pero habang nabubuhay
Mayro'n pa ring pag-asa (mayro'ng pag-asa)

Na makita ang liwanag
Kahit sa gitna ng kadiliman
'Wag mong susukuan
Siguradong mapagbibigyan
At 'wag ka nang magtanong
"Ba't gano'n?"

Whoa, papatunayan ko na lang sa 'yo
Hindi kailangan ng salita
Hindi kita pababayaan hanggang dulo
Hinding-hindi ako susuko, maghihintay ako

Kahit 'di makita
Kahit 'di maramdaman
Kahit 'di marinig
Sana'y maintindihan

Na ayokong mawala ka
Na baka 'di na tayo magkita
Laging umaasa
Pero pa'no nga kapag wala na?

Lumalakas ang bulong (lumalakas ang bulong)
Hindi ako magmamarunong (hindi ako magmamarunong)
Ayoko nang magtanong (ayoko nang magtanong)
"Ba't gano'n?"



Credits
Writer(s): Mcoy Fundales, Michael V
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link