Magnificat

Laging hanap ng puso'y munting pangarap
Nang hirap ay mawakasan at pag-asa'y masilayan
Sa Isang umaga, puspos ng pagpapala
Balitang mayroong tuwang umaapaw na biyaya

Ang aking puso ay nagpupuri sa D'yos na aking mahal
Sa dusa ako'y kanyang hinango at may lugod na itinampok
Kaya aking awit ay 'di mapipigil, aking galak ay 'di magmamaliw
Aking handog, ang aking tugon
Ay narito akong iyong abang lingkod

Ang aking puso ay nagpupuri sa D'yos na aking mahal
Sa dusa ako'y kanyang hinango at may lugod na itinampok
Kaya aking awit ay 'di mapipigil, aking galak ay 'di magmamaliw
Aking handog, ang aking tugon
Ay narito ako
Narito Ako
Narito akong iyong abang lingkod



Credits
Writer(s): Carlo Magno S Marcelo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link