Pabango Ng 'Yong Mata (2004 Demo Sessions)

'Wag ka nang manangis, irog
Sayang lamang ang luha mo
May paggagamitan ka niyan
Ako'y malapit nang mamatay
At saka mo na diligin ang libingan ko
Ng pabango ng 'yong mga mata

Luha, kusa na lang dumadaloy
Sa mga pagkakataon
Nagpapaalalang tayo'y tao lamang
Pagsisisi, lagi na lang sa huli
Sa mga pagkakataong nakakalimot
'Pagkat tayo'y tao lamang

'Wag ka nang manangis, irog
Sayang lamang ang luha mo
May paggagamitan ka niyan
Ako'y malapit nang mamatay
At saka mo na diligin ang libingan ko
Ng pabango ng 'yong mga mata

Pilitin mang tumindig
Upang ika'y mahagkan man lang nang mahigpit
Kusang napapahandusay
Sa aking malupit na papag
Nabibilang ko ang sikat ng araw
At kay bilis na ng ikot ng mundo
Marahil ito na ang huling awit at hapdi
Na ipadarama ko sa 'yo

'Wag ka nang manangis, irog
Sayang lamang ang luha mo
May paggagamitan ka niyan
Ako'y malapit nang mamatay
At saka mo na diligin ang libingan ko
Ng pabango ng 'yong mga mata

At saka mo na diligin ang libingan ko
Ng pabango ng 'yong mga mata



Credits
Writer(s): Clemen Castro Castro, Marco Fundales
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link