Araw't Gabi

Lumiwanag ang mundo nang ika'y nasilayan
Ako'y tuluyang napuno ng ligaya

Puso ko'y huminto nang ikaw ay lumapit
Parang pelikulang slow motion, 'di alam ang gagawin

Ikaw lamang ang gusto kong makapiling
Habang-panahon, ikaw ang may hawak sa akin
Araw at gabi

Oh, kay sarap, kay sarap talaga ang magmahal
'Pag alam mong mahal ka rin n'ya

Araw at gabi, ikaw ang ninanais
Ng puso kong ngayon lang nagising

Mababalik ko pa kaya ang kahapon
Nang tayo'y mga batang walang alintana?

Palawak nang palawak ang pagitan
Ano ba'ng nangyari? Biglang nailang
Natuyo ang sanhi, sino ba'ng masisisi?
Sabik na sabik na ako sa mga 'di mo sinasabi
Araw at gabi

Oh, kay sakit, masakit talaga'ng magmahal
'Pag alam mong mahal n'ya'y naglaho na

Araw at gabi, ikaw ang ninanais
Ng puso kong ngayon lang nagising

Dumilim ang mundo nang ika'y lumayo
Ako'y tuluyang napuno ng lungkot

Puso ko'y huminto nang ikaw ay bumitiw
Parang pelikulang slow motion, 'di alam ang gagawin
Araw at gabi



Credits
Writer(s): Clara Benin
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link