Kahanga-Hanga - Batay sa Salmo 8

Kahanga-hanga ang Iyong pangalan
O Panginoon, sa sangkalupaan
Ipinagbunyi mo ang Iyong kamahalan
Sa buong kalangitan

Pinagmamasdan ko ang langit na gawa ng 'Yong mga kamay
Ang buwan at mga bituin na sa langit 'Yong inilagay

O sino kaya siyang tao na Iyong pinagmamasdan?
Ginawa Mong anghel ang katulad, pinuno Mo ng karangalan

Malayo man ang tao sa lupa, sakupin man niya ang buwan
Ikutin man ang kalangitan; ang D'yos din ang dinadatnan

Kahanga-hanga ang Iyong pangalan
O Panginoon, sa sangkalupaan
Ipinagbunyi mo ang Iyong kamahalan
Sa buong kalangitan



Credits
Writer(s): Eduardo P Sj, R Corpuz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link