Kahit Na May Ibang Mahal Ang Puso Mo

'Di ko alam na may katapusan
Pag-ibig na ating sinimulan
Ang ating pagtitinginan na kay sarap pagmasdan
Kaligayahang akala ko'y walang hanggan

Wala nang iba pa, tanging ikaw lamang
Dito sa puso ko ay nag-iisa ka lang
Mga alaala nati'y 'di malilimutan
Tamis ng pagsuyo na ating natikman

Bakit 'di mo pagbigyan?
Tayo'y muling magkabalikan
Ano ba ang aking nagawa sa 'yo?
Ako'y iniwan mo at ikaw ay lumayo

Kahit na may ibang mahal ang puso mo
Damdamin ko'y 'di pa rin magbabago
Kahit na may ibang mahal ang puso mo
Ang pagmamahal at pag-ibig ko'y iyong-iyo

Wala nang iba pa, tanging ikaw lamang
Dito sa puso ko ay nag-iisa ka lang
Mga alaala nati'y 'di malilimutan
Tamis ng pagsuyo na ating natikman

Bakit 'di mo pagbigyan?
Tayo'y muling magkabalikan
Ano ba ang aking nagawa sa 'yo?
Ako'y iniwan mo at ikaw ay lumayo

Kahit na may ibang mahal ang puso mo
Damdamin ko'y 'di pa rin magbabago
Kahit na may ibang mahal ang puso mo
Ang pagmamahal at pag-ibig ko'y iyong-iyo

Kahit na may ibang mahal ang puso mo
Damdamin ko'y 'di pa rin magbabago
Kahit na may ibang mahal ang puso mo
Ang pagmamahal at pag-ibig ko'y iyong-iyo



Credits
Writer(s): April Boy Regino
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link