Sa May Bintana

Lagi na lang akong dumudungaw sa may bintana
Upang masulyapan kahit anino mo man lamang
Nagbabakasakaling ikaw ay lumingon
Ano kaya itong aking nadarama?

Araw-araw ako'y naghihintay sa may bintana
Nananalangin sana'y 'di ka pa nagdaraan
Parang bumibilis tibok nitong puso
Pag-ibig ba itong aking nadarama?

Napupuyat sa kaiisip, nababagot, naiinip
Laging laman ng panaginip
'Di kayang magtiis isang araw sa may bintana
Nang 'di kita masulyapan, makapanayam man lamang
Tumitigil buong mundo sa tuwing ika'y nagdaraan

Do, do, do, do, do, do, do, do, do, do
Do, do, do, do, do, do, do, do, do, do, ah
Do, do, do, do, do, do, do, do, do, do
Do, do, do, do, do, do, do, do, do, do, do, do, do

Napupuyat (napupuyat)
Sa kaiisip, nababagot, naiinip (nababagot)
Laging laman ng panaginip
'Di kayang magtiis isang araw sa may bintana
Nang 'di kita masulyapan, makapanayam man lamang
Tumitigil buong mundo sa tuwing ika'y nagdaraan

Sa may bintana (sa may bintana)
Sa may bintana



Credits
Writer(s): Ryan Cayabyab
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link