Pag-ibig Sa Tabing-Dagat - 2022 Remaster

Isang dapit-hapon sa tabing-dagat
Sa 'king paglalakad
'Di ko maiwasang mapansin
Ang mga bagay-bagay

Ang hangin na masuyod na dumadampi
Sa 'king mga pisngi, hmm, at bumubulong
Ang araw na sumisilip sa mga ulap na animo'y matang
Nag-aabang kung sino ang aking hinihintay

Nasa'n na siya? Para bang nagtatanong
Ang mga bagay na dati nating kasama at kapiling
Nasa'n na siya? Naaalala mo pa ba noon
Kung pa'no nabuo ang pag-ibig sa tabing-dagat?

Ang mga alon na para bang nagtatawag ng pansin
Sa 'king mga binti'y, hmm, naglalambing
Mga buhanging nagtataka sa aking mga bakas ng paa
Na dati-rati, hmm, ay may katabi

Nasa'n na siya? Para bang nagtatanong
Ang mga bagay na dati nating kasama at kapiling
Nasa'n na siya? Naaalala mo pa ba noon
Kung pa'no nabuo ang pag-ibig sa tabing-dagat?

Kung pa'no nabuo ang pag-ibig sa tabing-dagat



Credits
Writer(s): Clemen Castro Castro
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link