Ibang Klase

Ibang klase ang 'yong epekto
Inspirado ang mga tao
At kung paano mo ito nagagawa?
Ay labis na nakapagtataka

Ang mga tao ay nagkukusa
Ang pag-ambag lubos ang ligaya
At kung paano mo ito nagagawa?
Ay labis na nakapagtataka

Nakapagtataka, nakakagulat
Nag-uumapaw ang pag-ibig na nadarama
Nakapagtataka, kagila-gilalas
Naghuhumyaw ang kulay ng pag-asa
Ibang klase kang talaga
Yeah, yeah

Ibang klase, parang mahika
Anong hiwaga ang iyong dala-dala
At kung paano ko ito nagagawa?
Ako ay labis na nagtataka

Patuloy man ang pagbuhos ng ulan
Ang diwa ng mga tao'y lalong lumalaban
At sa pagdating mo sa aming harapan
Sinisigaw ang pag-ibig sa bayan

Nakapagtataka, nakakagulat
Nag-uumapaw ang pag-ibig na nadarama
Nakapagtataka, kagila-gilalas
Naghuhumyaw ang kulay ng pag-asa
Ibang klase kang talaga

Nakapagtataka, nakakagulat
Nag-uumapaw ang pag-ibig na nadarama
Nakapagtataka, kagila-gilalas
Naghuhumyaw ang kulay ng pag-asa
Ibang klase kang talaga

Ibang klase kang talaga
Ibang klase kang talaga
Ibang klase kang talaga
Ibang klase kang talaga



Credits
Writer(s): Noel Cabangon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link