Kahit Kaibigan Lang

Bakit lumisan ka? Puso'y paano na?
Bakit kailangan na tayong dal'wa ay magkawalay pa?
Buong akala ko'y 'di na magwawakas
Ang lahat ng ating nasimulan; bakit, aking mahal?

'Di na ako aasa pang ika'y magbabalik
Nang 'di ko na maramdaman sa puso ang sakit

Lagi mong iisipin na ako'y maghihintay sa 'yo
Kahit alam ko na mayro'ng ibang mahal ang puso mo
Marahil nga'y sadyang ganyan, s'ya ang higit mong kailangan
Ibigin mo naman ako kahit kaibigan lang

Walang inaasam ngayon ang puso ko
Kundi ligaya na walang hanggan, sana'y makamtan mo
Pag-ibig ko sa 'yo ay 'di nagbabago
Ngunit wala akong magagawa, s'ya ang nasa puso mo

'Di na ako aasa pang ika'y magbabalik
Nang 'di ko na maramdaman sa puso ang sakit

Lagi mong iisipin na ako'y maghihintay sa 'yo
Kahit alam ko na mayro'ng ibang mahal ang puso mo
Marahil nga'y sadyang ganyan, s'ya ang higit mong kailangan
Ibigin mo naman ako kahit kaibigan lang

Lagi mong iisipin na ako'y maghihintay sa 'yo
Kahit alam ko na mayro'ng ibang mahal ang puso mo
Marahil nga'y sadyang ganyan, s'ya ang higit mong kailangan
Ibigin mo naman ako kahit kaibigan lang

Lagi mong iisipin na ako'y maghihintay sa 'yo
Kahit alam ko na mayro'ng ibang mahal ang puso mo
Marahil nga'y sadyang ganyan, s'ya ang higit mong kailangan
Ibigin mo naman ako kahit kaibigan lang



Credits
Writer(s): Venancio Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link