Tanging Sa'yo

Ang pag-ibig ko'y tanging sa'yo
At pati na rin ang puso ko
Ang damdamin kong manhid, kusang inakit mo
Ligaya ko'y mula sa'yo
Tanging sa'yo

Buhat nang kita'y matagpuan
Kasiyahan ko'y gano'n na lang
Araw at gabi, pangarap ko'y ikaw lamang
Pagmamahal ng totoo
Tanging sa'yo

Kung sakali mang magbago ka
Ang dasal ko'y huwag naman sana
'Di ko kayang dalhin ang pusong lumuluha
Pusong tapat, tapat sa'yo
Tanging sa'yo...



Credits
Writer(s): Roberto Rigor
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link