Pag Nagigipit

May lakas at mayro'ng tibay
Na hindi bibigay, walang ngalay
Bundok man o ang simbahan
Yayanig sa aking kakisigan
Sa trabaho, 'lang reklamo
May balat-kalabaw, 'alang kaso
Hiyas at diyamante, hanapin, patagin
Walang uurungan, durog, 'lang atrasan

Pero kung aaminin, tumutulay sa alambreng kay nipis sa perya't sirkus
Kung aaminin, si Hercules, umatras ba? "'Yoko nga d'yan kay Cerberus"
Kung aaminin, parang wala 'kong kuwenta kung 'lang matutulungan
Kung may duda man at uurong lang
Kapag sumobra na bigat nitong dala

Parang nagigipit-pit-pit ang damdamin ko, whoa
At tinitiis din, din ang dalahin ko, whoa, oh, oh
Ate mo na lang, kaya niya'ng trabaho
Kaya niya'ng pasanin niyo, sigurado
May silbi ba kung kokontra ako, kung uurong

Sa panggigipit-pit-pit ng damdamin ko? Whoa
At tinitiis din, ding 'wag sumabog ako, whoa, oh, oh
Ate mo na lang, kaya niya'ng trabaho
May itatagal pa siya, sigurado
May silbi ba kung kokontra ako at manghina?

Kung aaminin, 'pag may kaba, lalala, at takot, may masasaktan nang sobra
Kung aaminin, hindi aatras kahit na panganib, nand'yan na
Kung aaminin, hanggang kailan ko kayang buhatin buong bayan?
Ayusin man ito, eh, may bagyo
Pilitin mang pigilan pa, paulit-ulit lang

Sana, kung pwede lang kahit minsan
Pasanin ay bitawan at dagling sasaya
'Di mapapagod 'tong aking puso at 'di susuko
Maaabuso, 'wag muna, 'wag lagi nang makabawi

Sa panggigipit-pit-pit na nadarama, whoa
At tinitiis din, din na dalahin pa, whoa, oh, oh
Ate mo na lang, 'di nasasaktan 'yan
Kahit na ano ay 'di niya iiwasan
Kahit mangalay saglit o manginig, titindig

At 'di pagigipit-pit-pit sa damdamin ko, whoa
Kayang tiisin, 'ding-'ding-'di sasabog ito, whoa, oh, oh
Ate mo na lang, 'wag ka nang magduda
'Di mo kaya, tiyak ako, nagagawa niya
Kung walang lakas, wala ring silbi
Kahit gipit, matatag, matibay



Credits
Writer(s): Lin-manuel Miranda
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link