Nung Naging Tayo

Naglaho na ba
Maibabalik ba
Ang aking puso'y napuno ng luha at pagdaramdam

Akala ko wala na, wala na bang pag-asa
Pag-ibig ay bigla nang nawala
Ikaw ay nakilala
Natupad ang mga "sana"
Pakinggan mo ito alam mo ba, na

Nung naging tayo
'Di ko akalaing magbabago
Ang aking pagtingin sa pag-ibig
Naririnig ang sigaw ng puso ko
Ikaw at ako, hindi hihinto
Hahayaan muna ang mundo

Nakilala kita
Binibining kay ganda
Ang gustong pag-ibig na hinahanap hanap
Sa'yo nakita

Ang pag-aalinlangan sa pagtitiwala
Lahat ito'y biglaang nawala
Noo'y puno ng takot
Ngayo'y biglang nagbago
Nawala ang mga duda at tanong
Woah

Nung naging tayo
'Di ko akalaing magbabago
Ang aking pagtingin sa pag-ibig
Naririnig ang sigaw ng puso ko
Ikaw at ako, hindi hihinto
Hahayaan ang mundo

Nung naging tayo
Ang lahat sa buhay ko ngayon ay bago
Kahit anong hirap kakayanin, haharapin
Magkasama hanggang dulo
Nagkakulay ang aking mundo
Nung naging tayo

Nung naging tayo
'Di ko akalaing magbabago
Ang aking pagtingin sa pag-ibig
Naririnig ang sigaw ng puso ko
Ikaw at ako, hindi hihinto
Hahayaan ang mundo

Nung naging tayo
Ang lahat sa buhay ko ngayon ay bago
Kahit anong hirap kakayanin, haharapin
Magkasama hanggang dulo
Nagkakulay ang aking mundo
Nung naging tayo

Mundo nating dalawa
(Nung naging tayo)
Magkaiba, pinagisa
(Nung naging tayo)
Tayo munang dalawa
(Nung naging tayo)
Lahat ayokong mawala



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link