Rapstar

'Di niyo na puwede masisi kung ba't gan'to

Ginaganapan ko lang nang natural
'Tsaka inagapan ko na mautal
Nilaban, sinugal, ginapang, minahal
Katagalan, natutunan ko nang tumagal
'Tsaka alam ko naman na inaabangan
Na sana tabangan 'yong papakawalan para 'di na abangan
Kaso nga lang, palaban ang batang Alabang

Kinalakihan na galingan nang galingan
Kaya nakasanayan kong makabuo nang madiin
'Di ko namalayan na malayo na malayo na pala
Na 'yong narating, pati ako napailing
Mga naniwala, 'di ko puwedeng biguin
'Di ko puwedeng pakitaan ng bitin
Mga tainga na kailangang busugin ko pa din
Kahit kabisado na kilitiin

Alam ko na may mata na nagbabantay kung pa'no ako sasablay
Matiyagang nag-aantay kung kailan ako tatamlay at lalaylay
'Yong mga laway na laway na makita ako na mahina, umay na umay na manira
Ngalay na ngalay na manghila kasi nga walang pinakitang hindi pamatay

No'ng napasarap mag-rap, ang daming nagbago
Daming nagbago mula no'ng kilalanin ng tao
Daming nagtulak sa 'kin palaging maging ganado
Palaging plakado, 'pag gumalaw palaging planado

Daming pasabog kailangan 'pag malawak ang sakop
Ikaw din ang talo sa laban 'pag nabalot ng takot
Kung sa'n ka aabot, hakutin lahat ng mahahakot
'Yong dami ng pagod ay may sukli 'pag 'di ka madamot

At kung 'di ko tyinaga, baka nauwi na sa wala
Ganito pala 'to kalala, kita mo naman ang napala
Pa'no kung hindi ko ginawa?
'Yong iba 'di makahalata, malaki na ang nakataya
Marami na puwede mawala
Kaya 'di na puwede'ng pabaya, hindi puwedeng puro mamaya
Baka sa huli mapahiya

Totoo na parang himala, nagsimula sa ibaba, tiningala
Matagal ko din 'yang kinapa kada gawa
'Di madapa 'yong kalidad, 'di mo nakitang binaba
No'ng marami pang nagdududa, puro kilos ang inuuna
Ngayon, kita mo namumunga, tumutubo
Napakarami kong nakukuha pero 'di pa rin nalulula

Ta's sa ugali, wala pa ring binago
Tao pa rin 'pag humaharap sa tao
Pero 'pag usapang rap, paiba-iba 'ko
Literal na may bago kang aabangan sa tuwing may ilalabas na bago

'Yon ang ginawang pambawi sa nakikinig palagi
Para mas lalo sila ganahan, 'di 'yong mga bago ko hanapin
'Yong iba naman nabababawan, pero 'di na para atupagin
'Di kasi nila maunawaan na 'yong bulsa ko pinapalalim

Kahit papaano naman, naganapan ko paunti-unti
Gumalaw nang pino, hindi maitatangging iba din ang laking Munti
Tila may anting-anting sa galing, himala 'yong kuting ay naging kambing
Sa dami ng hinain na putahe, puwedeng akalaing malaking canteen

'Yong iba, nakahalata na sa pangalan at plaka
Nagiging malala bigla lalo 'pag pabaliktad na binasa (Wolf)
'Pag gumagawa, ginagawa, magagawa, maiba lang ang lasa
Para maipakita ko din na 'di na 'ko gumagawa nang basta-basta

Ngayon, lalo pang nananabik
Kasi mayro'n nang bumabalik
Gagawin ko pa rin nang gagawin
Ngayon, sa'n pa kaya 'ko nito dadalhin?

Subok na subok na 'yong lagi niyong sinusubok no'n
'Yong mga nanubok, 'yong ilong umusok 'tsaka kumulo tumbong
Eto na ngayon 'yong mga sinabihan niyong gunggong
Sa tuktok na kami tumutungtong, eto 'yong hindi niyo matutunton

'Tsaka ramdam niyo na ring pataas kami nang pataas
Kada labas, kahit hindi madalas, palakas pa rin nang palakas
Sa 'min na 'tong palabas, mabanas kayo nang mabanas
Pagka usapang 'Pinas, pasok kami diyan, hindi na mapapalabas

'Wag ka na magtaka, ba't nangyari at papa'no
Kasi kitang-kita niyo naman, malinaw pa sa klaro
Sarili na lang ang tinatalo
Oo, wala nang iba, halata kasi nga no'ng 'yong uso naiba
Oh, 'di ba, 'yong iba nabura?



Credits
Writer(s): Flow G
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link