Habang Buhay

Matagal nang nawawala
Matagal nang nag-iisa
Malayo na ang nilibot sa mundo
Nasa'n ka na ba?

Pagod na'ng mga paa
Mabigat na'ng mga mata
Ngunit paglingon ay biglang
Andiyan ka na pala

Ang hinihintay
Ang magbibigay
Ang gagabay sa buhay kong
Puti at itim ang kulay

Nagtagpo ang mga mata
Walang pagdududa
Natagpuan ko nang hahawak
Sa puso kong nangungulila

Ikaw lang ang hinihintay
Ang magbibigay
Ang gagabay sa buhay kong
Puti at itim ang kulay

Ooh-ooh-ooh

Wala nang dapat alalahanin o babaguhin
Dahil ikaw ay sapat na para sa 'kin
At bubuhayin ako ng 'yong pagmamahal
Sa habang-buhay
Sa habang-buhay, ah

Kaya ikaw ay iingatan, aalagaan
At hahawakan ko ang 'yong mga kamay
Sa habang-buhay, sabay maglalakbay
Sa habang-buhay
Panghabang-buhay

'Di na mag-iisa
Hawak na kita



Credits
Writer(s): Marielle Belleza
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link