Bakit?

Oh, pa'no?
Sa ilang taon na 'yon, akala ko ay tunay
Oh, bakit nagbago?
Nagtataka, nalilito, minahal mo nga ba talaga 'ko?

Bakit ikaw ang sigaw ng aking puso?

Kahit na ilang beses mo 'kong iniwanan
Paulit-ulit na akong inagawan
Ng mga sandaling ika'y kinailangan
Nanatili pa rin ako sa tahanang iniwan mo

Oh, bakit 'di na ako ang 'yong gusto?
May iba na bang guwapo sa mata mo?
Kasi kung paruparo sa tiyan ang basehan ng pagmamahal
Nakalutang na ako

Bakit mahal pa rin kita?

Kahit na ilang beses mo 'kong iniwanan
Paulit-ulit na akong inagawan
Ng mga sandaling ika'y kinailangan
Nanatili pa rin ako sa tahanan

Kahit na ilang beses mo nang tinakasan
Ng mga tanong na pilit mong iniiwasan
Bakit parang wala lang sa 'yo ang mga luha?
Umiyak ka man lang ba no'ng ako'y nawala na?

Ah-ah-ah-ah-ah, ah
Ah-ah-ah-ah-ah, ah, ah

Gano'n ba 'ko kadaling kalimutan?
Punong-puno ako ng mga katanungan
Bakit 'di mo man lang ako 'pinaglaban?
Bakit? Bakit?

Kahit unti-unti mo akong binitawan
Simula no'ng siya na ang laman ng isipan mo
Sinisi ko aking sarili
Araw-araw akong nagtatanong kung bakit

Isa pa



Credits
Writer(s): Nhiko Sabiniano, Ralph William Datoon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link