Siguro...?

Ako si "Baka," ako si "Pa'no ba?"
Ako si '"Bahala na," hindi si "Siya na"
Palaging tanong, "Hindi" ang sagot
Parating muntik na, 'onti na lang

Ha, hmm, ha, hmm
Ha, ha

Ako si "Baka," ako si "Pa'no ba?"
Ako si '"Bahala na," hindi si "Siya na"
Bakit ganito? Buong akala ko
Katiyakan ako, ako nga ba si "Siguro"?

Ako si "Walang kuwenta," hindi si "Halaga"
Ako si "Nang-iwan," ako ang masama
Hindi si "Tadhana," maling akala
Ako si "Huling naiisip" nila

Ako ang buwan, hindi ang mundo
Ako lang mali sa mga kuwento mo
Ako ang kailangan, hindi ang gusto, whoa

Ako si "Handang subukan pang muli
Handang magmahal, at muling ngumiti"
Hindi man ako ngayon ang pinipili
Balang araw, ako siguro?



Credits
Writer(s): Ralph William Datoon, Viktor Nhiko Sabiniano
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link