Bawat Taon

Lumipas na ang mga gabing nag-iisa
Hindi ko namalayan, nandiyan ka lang pala
Lumiliwanag ang paligid sa 'yong mata
Ba't 'di ko namalayan? Ikaw na pala, ah

Ikaw sa bawat luha, pagtahan, at pahinga
Lumamig man aking mundo, ikaw ang panlamig ko
Magbago man panahon, mananatiling sa 'yo
Ikaw pa rin at ako, ikaw palagi sa bawat taon

Ligaya ang hanap, ngunit bulag ang paningin
Tuloy nangungulila, hindi ka napansin
Nandiyan ka pala, nagniningning
Ang yakap mo ang nagsilbing liwanag ko sa dilim

Ikaw sa bawat luha, pagtahan, at pahinga
Lumamig man aking mundo, ikaw ang panlamig ko
Magbago man panahon, mananatiling sa 'yo
Ikaw pa rin at ako, ikaw palagi sa bawat taon

Mula noon hanggang ngayon (sa bawat taon)
Mula noon hanggang ngayon
Ikaw, ikaw, ikaw

Kahit pa hindi na tulad ng dati
Sasamahan ka pa rin sa pag-awit
At kung ang mundo'y galit

Hindi ka mag-iisa, sabay tayong luluha
Lumamig man ating mundo, ikaw ang yakap ko
Magbago man panahon, mananatiling sa 'yo
Ikaw pa rin at ako, ikaw palagi

Tayo palagi, sa bawat taon



Credits
Writer(s): Arthur Miguel Quimpo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link