Buhay At Pag-Ibig

Sa panahong maulap
Maniwala ka, bubukas din ang langit

Sa paglubog ng araw
Siguradong may panibagong bukas

Hindi pa ba sapat ang kalansay ng kahapon
Upang parisan at tularan mo?

Buhay o salapi?
Pag-ibig o kapangyarihan?
Mamili ka, mamili ka
Kung ano'ng makabubuti sa 'yo't sa 'yong kapuwa

At kung ika'y naiinggit
Sa palagay mo ba, ano'ng kapalit?

Kung sa huli ang dulot
Ay pagwawatak at kasalanan

Itaguyod mo na lang ang tagumpay ng kaibigan
Parisan at tularan mo

Buhay o salapi?
Pag-ibig o kapangyarihan?
Mamili ka, mamili ka
Kung ano'ng makabubuti sa 'yo't sa 'yong kapuwa

Ang sa 'kin ay buhay (ang sa 'kin ay pag-ibig)
Ang sa 'kin ay buhay (ang sa 'kin ay pag-ibig)
Ang sa 'kin ay buhay (ang sa 'kin ay pag-ibig)
Ang sa 'kin ay buhay (ang sa 'kin ay pag-ibig)

Ang sa 'kin ay buhay (ang sa 'kin ay pag-ibig)
Ang sa 'kin ay buhay
Simple at dalisay
Simple at dalisay (ang sa 'kin ay pag-ibig)
Ang sa 'kin ay buhay (ang sa 'kin ay buhay)



Credits
Writer(s): Castro Clemen
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link