Awit Ng Paghilom

Panginoon ko, hanap-hanap Ka ng puso
Tinig Mo'y isang awit, paghilom
Panginoon ko, hanap-hanap Ka ng puso
Tinig Mo'y isang awit, paghilom

Ang baling ng aking diwa ay sa 'Yo
Huwag nawang pababayaang masiphayo
Ikaw ang buntong-hininga ng buhay
Dulot Mo'y kapayapaan, pag-ibig

Panginoon ko, hanap-hanap Ka ng puso
Tinig Mo'y isang awit, paghilom

Ako'y akayin sa daang matuwid
Huwag nawang pahintulutang mabighani
Sa panandalian at huwad na rilag
Ikaw ang aking tanging Tagapagligtas

Panginoon ko, hanap-hanap Ka ng puso
Tinig Mo'y isang awit, paghilom

Sigwa sa 'king kalooban, 'Yong masdan
Pahupain ang bugso ng kalungkutan
Yakapin ng buong higpit, 'Yong anak
Nang mayakap din ang bayan Mong ibig

Panginoon ko, hanap-hanap Ka ng puso
Tinig Mo'y isang awit, paghilom



Credits
Writer(s): Arnel Sj
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link