Barkada

Heto na ang mga officials ng barkada
Kanya-kanyang kalokohan, bawat bida
Mayro'ng medyo praning, mayro'n din ang antukin
Kumpleto sa rekado ang barkada namin

Pinagtagpo-tagpo kami ng tadhana
Kahit pinanggalingan namin ay iba-iba
Walang pakialam kung sa'n mapadaan
Basta't sabay-sabay kaming nagtatawanan

Basta nand'yan ang bawat miyembro ng tropa (miyembro ng tropa)
Ang kalokohan ay hindi mawawala ('di mawawala)
Hindi na dapat pinag-iisipan pa
Lahat tayo ay dapat magsaya

Musmos pa lang, magkakasama na kami
Nagkasundo kahit iba't iba'ng ugali
Ganyan lang talaga sa 'ming munting barkada
Kasa-kasama mo sa hirap at ginhawa

Magkasabay mula sa pagsikat ng araw
Magkasama hanggang daigdig ay magunaw
Sa dami-dami ng aming napagdaanan
Walang tatalo sa aming pinagsamahan

Basta nand'yan ang bawat miyembro ng tropa (miyembro ng tropa)
Ang kalokohan ay hindi mawawala ('di mawawala)
Hindi na dapat pinag-iisipan pa
Lahat tayo ay dapat magsaya

'Di na yata magsasawa sa 'ming pagsasama-sama
At sa aming barkada, asahan na hindi mawawala
Ang kalokohan at ang walang tigil na tawanan
Sapagkat ang bawat kabarkada namin ay sadyang ganyan



Credits
Writer(s): Chito Miranda
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link