Pasko Na Sinta KO

Pasko na, sinta ko, hanap-hanap kita
Bakit magtatampo't nilisan ako?
Kung mawawala ka sa piling ko, sinta
Paano ang Pasko, inulila mo

Sayang, sinta, ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak?

Kung mawawala ka sa piling ko, sinta
Paano ang Paskong alay ko sa 'yo?

Kung mawawala ka sa piling ko, sinta
Paano ang Pasko, inulila mo

Sayang, sinta, ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak?

Kung mawawala ka sa piling ko, sinta
Paano ang Paskong alay ko sa 'yo?



Credits
Writer(s): Francisco Dandan, Aurelio S Estanislao
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link