Kung Mamahalin Mo Lang Ako

Lagi kitang tinatanaw
Lahat ng kilos at galaw
Aking sinusubaybayan
Binabantayan

Araw-gabi, ako'y saksi
Sa bawat luha at hapdi
Hirap ng 'yong dinadala
Ay nadarama

Kung nalalaman mo lamang
Na ako'y nag-aabang
Ng pag-ibig mo

Kung mamahalin mo lang ako
Langit ang ibibigay sa 'yo
'Di ka na kailan muling luluha pa
Pangako ko sa 'yo

Kung mamahalin mo lang ako
Hindi ka na mangangamba
Sa puso ko, ika'y nag-iisa
Kung mamahalin mo lang ako

Lagi akong nakatingin
Naghihintay na mapansin
Kahit isang sulyap man lang
Ay tatanggapin

Hanggang kailan magdurusang
Makita ka sa piling niya?
Hanggang kailan pagmamasdang
Ika'y masaktan?

Sana ay nalalaman mo
Na may nagmamahal sa 'yo
Heto lang ako

Kung mamahalin mo lang ako
Langit ang ibibigay sa 'yo
'Di ka na kailan muling luluha pa
Pangako ko sa 'yo

Kung mamahalin mo lang ako
Hindi ka na mangangamba
Sa puso ko, ika'y nag-iisa
Kung mamahalin mo lang ako

Ooh-ooh

Kung mamahalin mo lang ako
Langit ang ibibigay sa 'yo
'Di ka na kailan muling luluha pa
Pangako ko sa 'yo

Kung mamahalin mo lang ako
Hindi ka na mangangamba
Sa puso ko, ika'y nag-iisa
Kung mamahalin mo lang ako

Ooh-ooh, yeah



Credits
Writer(s): Janno I Gibbs
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link